Filipino — Thank you to Noni Carino for translating

ANG BUHAY NI REBECCA KIESSLING

Ako ay isang ampon simula halos sa aking pagka luwal bilang isang sanggol. Sa edad na 18, lumantad sa aking kaalamanan, na ako ay anak sa brutal na panggagahasa ng isang serial rapist, na gumamit ng kutsilyo habang niyari niya ang kasuklam-suklam na pagkakasala.

Karaniwan, isa ako sa mga tao na sasang-ayon sa abortion kung ang sanggol ay isisilang mula sa kriminal na aksyon. Ngunit nagulantang ako sa katotohanan ng aking buhay ng malaman ko ang aking pinanggalingan. Mawari kong narinig ang buyawyaw ng mga balitaktakan ng mga tao na may hinanakit sa kababaihan na nakaranas ng rape, o di
kaya marinig sa kanilang mga bibig ang explikadong, “lalo na sa kaso ng rape!!!”

Wala ni isa sa mga tao na iyon ang may kilala sa akin, ngunit mabilis sa kanilang pag husga ng katiwalian ng isang tao na katulad ko, na bunga ng isang napakadilim na kasalanan. Para bang isang kabuuan ng buong mundo ang mabigat na magpakiwari sa aking buhay na matimtim kung dinidipensahan kung bakit ako iniluwal at hindi pinatay, bilang kabayaran sa kasalanan ng taong lumandas ng isang krimen. Lumaki rin akong naramdaman sa araw-araw, ang paulit-ulit na trato ng tao na ako ay galling sa basura. Na ako ay isa lamang tapon.

Mangyari lamang na maunawaan niyo sa iyong pag kilanlan sa akin bilang pro-choice, o di kaya mag bigay ng eksepsyon sa kaso ng gahasa, na kayo ay tumayo sa aking harapan, tingnan ako ng diretso sa mata, at
sabihin sa akin, “dapat ay inabort ka ng iyong ina”. Isa itong mabangis na pahayag. Hindi ko masisikmura na sabihin ito sa isang tao na produkto ng masaklam na kasalanan. Hindi ko masasabi, “ kung ako ang masusunod, putol na ang buhay mo ngayon”.

Ngunit ito ang katunayan ng aking buhay. Hahamunin ko ang sino man ang magsasabi na hindi totoo ang mga haka-hakang ito. Hindi ito isang mababaw na isyu, para sabihin ng mga tao na, “ay naku, pro-choice ako – kaibahan nga lamang sa maliit na oportunidad nuong 1968/1969, na ikaw, Rebecca , ay ipanganak.” Hindi – ito ang aking kasuklamsuklam na katotohanan ng buhay, at ito ay masakit at masakim. Alam ko na karamihan sa mga tao ay hindi maglalagay ng mukha sa issue na ito. Sa kanila, ito ay isa lamang mungkahi ng diwa, isang iglap ng pangkaraniwang debate, na puwedeng itago sa ilalim ng banig at kalimutan na. Ang aking pag-asa bilang anak ng gahasa, ay makatulong, sa pamamagitan ng paglagay ng mukha at tinig sa suliranin na ito.

Kadalasan, ang mga tao na humaharap sa akin, ay bina balewala ang isyu, at sasabihin sa akin, na “e, di mapalad ka!” Nilagpasan sila ng katotohanan. Kapalaran ay walang kaugnayan sa aking pagkabuhay. Sa
katotohanan na buhay ako sa oras na ito, ay dahil sa karamihan ng mga tao sa aming komunidad na ipinaglaban ang karapatan kong mabuhay sa sinapupunan ng ina. Bumoto sila ng pro-life. Hindi ako isang kapalaran. Ako ay ipinag tanggol. Puwede mo bang sabihin ngayon sa ating mga kapatid na sinawing-palad na ma-abort, na sila ay isa lamang sa mga “napanis na hinanakit”?!!

Sa aking pagtatagpo sa aking ina na nagluwal sa akin, kahit na masigla at masaya ang kanyang masabik na pagkilala sa akin muli, inilantad niya ang katotohanan na nagpunta siya sa mga madidilim na eskinita upang ako ay mailaglag sa kanyang sinapupunan. Ganoon kalapit ang aking buhay sa kuko ng kamatayan. Matapos ang insidento ng paggahasa, itinuro ng mga pulis sa aking ina ang isang konsehal na nagpayo sa kanya ng abortion. Idinagdag ng aking ina na wala pang Crisis Pregnancy Centers nung mga panahon na iyon. Kung meron, iginiit niya na malamang ay nagpunta siya para sa patnubay sa kanyang intension na ilaglag ako sa kanyang tiyan. Ang konsehal na ito ang nag-akay sa aking ina papunta sa mga eskinita ng mga abortionists.

Sa kaunahan ng kanyang punta sa isa sa mga abortionista, naobserbahan ng aking ina ang kondisyon ng klinika, na tipikal kung bakit “ligtas at legal niya akong matanggal sa kanyang sinapupunan” – dugo at dungis ang naka samba lot sa ibabaw ng mesa at sahig. Itong mga kondisyon na ito, kasama na rin ang rason na ito ay illegal, kung kaya tumalikod ang aking ina , kagaya na rin ng ibang mga kababaihan.

Sumunod, pumunta ang ina ko sa isang mas mahal na abortionista. Binigyan siya ng oras sa gabi ng isang tao na magtagpo sa Detroit Institute of Arts. Sa kanyang paghintay, may tumawag ng kanyang pangalan, nilapitan siya, ipiniring ang kanyang mga mata, inilagay sa sa likod ng sasakyan at dinala sa isang lugar upang maumpisahan ang kanilang pag laglag sa akin…, piring mulit ang mata at binaba ang aking ina . Alam niyo ba kung ano ang pinaka pukaw sa lahat? Marinig sa bibig ng mga tao ang kanilang sagot matapos kong ilarawan ang buong istorya ng aking ina . Isang awang iling ng ulo na kasunod ang inis na komentaryo, “nakaka kilabot ang desisyon ng iyong ina na dumanas ng masakim ng kondisyon para lamang mai laglag ka!” Masahol pa sa
absensya ng unawa at awa?!! Alam ko na nagpapahiwatig lamang sila ng kanilang habag na kalooban para sa akin, ngunit tipong mas malamig pa sa batong puso ang kanilang ibinigay sa akin, sa tingin mo?

Ito ang aking buhay na walang-awang binabalagtas sa kapisanan na punong-puno ng makaligkiging panglaw ng aking katayuan. Mahusay ang buhay ng aking ina . Katunayan, masigasig ang kanyang kapalaran. Ngunit, sa kasigasigan niya, ako naman ang naputulan ng buhay. Malayo na ang katularan ng aking buhay ngayon kaysa nung ako ay 4 años, di kaya, apat na araw, sa sinapupunan ng aking ina . Heto ako, ako pa rin ang tao at bata na iyon. Ako iyong maliit na sanggol na muntik nang nakitilan ng buhay sa pamamagitan ng isang masakim na abortion.

Ayon sa pananaliksik ni Dr. David Reardon, director ng Elliot Institute at ka-editoryo rin ng librong “Victims & Victors: Speaking Out About Their Pregnancies, Abortions and Children Resulting From Sexual Assault”
(Biktima at Wagi: Salawika Patungkol Sa Pagbubuntis, Paglaglag at mga Anak Galing Sa Panggagahasa”), at may katha ng artikulong, “Rape, Incest & Abortion: Searching Beyond The Myths” (Gahasa, Isesto At
Aborsyon: Ang Hanap Sa Labas ng Mytolohiya”), karamihan sa mga babae na nabuntis dahil sa panggagahasa, ay ayaw ng aborsyon at mas masahol pa ang kanilang kalagayan matapos ang paglaglag ng bata sa kanilang sinapupunan. (http://www.afterabortion.org ).

Kamarihan sa mga tao na may posisyon sa aborsyo, ang kanilang argumento ay base sa makapintasang tayo: (1) ang biktima ng gahasa ay gusto ng aborsyon; (2) mas mahusay ang magiging kalagayan ng biktima ng gahasa kung siya ay maglalaglag; (3) ang buhay ng bata galling sa gahasa ay walang pakinabang, upang ilubos sa pagbubuntis.

Inaasahan ko na sa pamamagitan ng salaysay ng aking buhay na naka haligi dito sa sityo ng internet, ay makatulong sa pag waksi ng huling haka-haka.

Nais ko sanang isipin na ang aking ina ay isa sa mga karamihan ng biktima ng gahasa, na walang plano na ako ay ilaglag. Ngunit hindi ito ang katotohanan ng kanyang idelohiya. Sa mabangis at maanghang na bibig
nitong eskinitang aborsyonista, dagdag na rin ang kanyang takot para sa kanyang delikadesa, ay nag ibang isip ang aking ina . Nagpasabi siya sa aborsyonista tungkol sa kanyang desisyon at narinig niya ang mga pinaka masahol na mga salita, tawagin siya ng kung ano-anong mga pangalan. Namangha ang aking ina ng makatanggap siya ng tawag muli dito sa aborsyonista kinabukasan upang kumbinsehin siya muli sa paglaglag sa akin. Ikalawang beses na humindi ang aking ina , at sinapawan siyang muli ng sumisiklab na mga insulto. Heto na ang huli. Ayaw na ng aking ina na dumaan pang muli sa ganitong kalbaryo. Lumalapit na siya sa
aking huling trimestro – mas mapanganib at mas mahal kung ako ay gusto pa niyang ilaglag.

Malaki ang aking pasasalamat sa pagligtas sa aking buhay. Pero karamihan ng mga mabuting-loob na mga Kristyano, ay sasabihin sa akin, “Mayroong malaking hangarin ang Panginoon sa iyong buhay kung bakit
ka naririto ngayon!”, o di kaya ang iba ay magsasabi ng, “Ikaw ay may layunin sa mundong ito”. Alam ko na sa lahat ng mga inilaglag na sanggol, may layon ang ating Diyos na Banal, at hindi ako mapalagay na sabihin na “kahit paano, isa ako sa mga sinuwerte para mabuhay”, o di kaya’y, “nararapat lamang na ako ay mabuhay, tingnan niyo kung ano ang aking ginawa at nakumpleto sa aking buhay ngayon”. Sa palagay ninyo, ang ibang milyon-milyong sanggol ay walang karapatan sa kanilang buhay? Hindi ko masisikmura. Ikaw, kaya mo? Makaka upo ka ba ng diretso at sabihin sa iyong sarili, “kahit paano, ako ay kailangan. Buhay ako ngayon…”, siguro, “bahala na!”? Heto ba ang pagkatao na gusto mong ibuhay sa sarili mong loob? Pusong-bato? Saklob ng maramdamin at mabuting loob sa labas pero matigas pa sa malamig na bato ang puso sa pinaka sulok ng iyong kalooban? Isinasangla mo ba ang iyong isip na ikaw ay isang maunawain ang bagbag-kalooban sa mga kababaihan, ngunit walang pagkabalisa sa akin dahil isa ako sa mga nagmamatyag na maaalala mo ang mukha na kung puwede, ay ayaw mong harapin sa katotohanan? Hindi ba ako angkop sa iyong panukala?

Sa paaralan ng batas, mayroon din akong mga kaklase na sasabihin sa akin, “Kung nai laglag ka nun, e di, wala ka ditto ngayon, at hindi mo makikita kung ano ang kaibahan sa totoo lang, sa ano ang isyu mo ngayon?”. Sa maniwala ka o hindi, karamihan sa mga matataas na aborsyonista, ito ang kanilang tipikal na pilosopiya at argumento: “walang karuningan at alam ang fetus kung ano ang bumigwas sa kanya, kaya sa konklusyon, walang fetus ang maghahangad kung ano ang lumipas sa kanilang buhay labas ng tiyan ng kanilang ina.”

Kung heto ang pagtatalo, siguro ang pagsaksak sa likod habang ang tao ay natutulog ay palalagpasin at puwede, dahil hindi niya alam kung ano iyong dumating sa kanya? In eksplika ko sa mga kaklase na sa parehong lohika, ay maira-rason sa argumento, “sa pagpatay ko sa iyo ngayon upang wala ka na bukas, ay walang diperensiya dahil hindi mo naman naramddaman at tutal, wala nang kaibahan iyon?” Napatunganga sila, labas ang kanilang mga panga. Nakakagulat ang nagagawa ng simpleng lohika kung iisipin mong mabuti – kaparehas ng ekspektasyon sa amin sa paaralan ng batas – isipin mo na lang kung ano talaga ang aming pinaglalaban: may buhay na wala na dito ngayon dahil sila ay kinaltasan ng hininga mula pa sa sinapupunan ng kanilang ina. Para bang isang salawikain: “ kung bumagsak ang isang puno sa gubat, at wala ni isang tao ang nakarinig, gumawa ba ng ingay itong puno?” Teka, ano uli ang sagot, totoo, di ba? At kung ang sanggol ay inilaglag, at wala ni isa sa paligid niya para malaman na kinutil ang kanyang buhay, may problema ka ba? Ang sagot ay, “OO!” Importante ang kanilang buhay. Importante ang aking buhay. Ang buhay mo ay may importansya at huwag kang maniwala kung ang ibang tao ay sabihin na wala kang kwenta!

Iba na ang ikot ng mundo ngayon, dahil noong kapanahunan ng aking ina , labag sa batas ang pumatay ng sanggol sa sinapupunan. Iba ang buhay mo ngayon dahil protektado ako ng batas noon, at binabasa mo itong pahayag ko ngayon! Hindi mo kailangang humarap sa maraming tao para magkaroon ng layon ang iyong buhay. Marami tayong nalagpasan sa henerasyon na ito dahil sa mga sanggol na kinitil ang buhay at ito ay malaking kabuluhan.

Sa aking pagsusuri, nalaman ko na ang manggagahasa sa aking ina ay hindi ko manlilikha, kaibahan sa mga sinasabi ng iba. Ang aking halaga at katauhan ay hindi tinatakan bilang “produkto ng panggagahasa”, ngunit anak ng Diyos. Sinabi sa biblya Awit 69:5, 6, “Ama sa mga walang ama… Diyos sa Kanyang banal na tirahan. Diyos ang nagtatakda sa mga nag-iisang pamilya”. At Awit 27:10, sinasabi, “Kahit na ako ay iniwan ng aking ama at ina , ang Panginoon ay tatanggap sa akin.” Alam ko na walang dungis ang pagiging ampon. Ika nga sa Bagong Tipan ng Biblya, na ang espiritu sa pag-ampon na tayo ay tinawag upang maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo, ang ating Panginoong taga pagligtas. Mukhang mataas ang kanyang pagtingin sa pag aampon kung kaya niya ginamit itong ehemplo ng Kanyang pagmamahal sa atin!

Pinaka importante sa lahat, ang aking natutunan na puwede kong ituro ang aking buhay sa aking mga anak, gayun din sa ibang tao, na ang buhay ay hindi batay sa importansya dala ng kalagayan ng kuru-kuro, magulang, kapatid, asawa, bahay, mga damit, hitsura, kaalamanan, grado, pera, trabaho, tagumpay o pagkabigo, kakayahan o kapansanan – ito ang mga kasinungalingan na nilayon n gating lipunan. Sa katunayan, karamihan sa mga taga balagtas ng inspirasyon, kanilang binibigkas na pumantay lamang ang kanilang mga mambabasa sa tamang sukat ng lipunan, ay magiging importante na rin sila, sa kapani-paniwalang ehemplo na ginagamit nitong mga balagtas na ito.

Ang katotohanan, hindi mo kailangang ipatunayan ang iyong halaga kahit kanino. Kung gusto mo talagang malaman kung ano ang iyong pakinabang, tumingala ka sa krusipiho – dahil ito ang presyo na ibinayad si iyong buhay! Heto ang walang hanggang halaga na inilagay ng Diyos sa iyong buhay! Sa paningin Niya, ikaw ay malaking halaga. At ako rin..

Gusto mo bang samahan ako sa pamamahagi ng halaga ng isang tao sa pamamagitan ng iyong salita, kasama na rin ang iyong pasunod na lakad?

Para sa mga tao na magsasabi ng, “Hindi ako naniniwala sa Diyos at hindi rin ako naniniwala sa Biblya kaya ako pro-choice, paki basa na lang ang aking sanaysay, “Karapatang ng mga Hindi Isinilang Upang Huwag Mamatay – tamang diskarte ng pilospiya”. Sigurado ko sa inyo, ito ay magiging mahalaga at ayon sa inyong oras.

Para Sa Buhay,

Rebecca